RR POV. AYAW niya sanang sagutin ang tawag dahil hindi niya kilala. Magmula ng masira ang cellphone ko ay nawalang lahat ng list sa phonebook. Ngunit hindi siya mapalagay dahil baka emergency iyon sapagkat sa alanganing oras. Kaya nagpasya na sagutin ngunit ingay lang ang kanyang naririnig. Akmang kakanselahin niya ang tawag nang may marinig siya. “Please help me…. Napatayo siya sa higaan at mabilis na nagsuot ng jeans. Sigurado siyang boses iyon ni Alice. Kinuha ang kanyang baril with silencer at nilagay sa likurang bahagi ng katawan. Pagkatapos ay kinabit ang Bluetooth device sa tainga. Pagdating sa basement ay nawalan ng signal. Nang masuot ng helmet ay pinasibad ang kanyang motorcycle. Halos paliparin na niya sa bilis nang marating ang kahabaan ng highway. Makalipas ang ilang min