CHLOE POV. ILANG araw nang hindi nagpapakita si Mr. Raiden sa amin ni Baby Ray. At ang kaibigan nitong si Mr. Kyle Montemayor, ay gano’n din. Nahihiya naman akong magtanong sa parents niya tungkol dito. Kaya nakuntento na lang ako na libangin ang sarili sa pag aaral magluto. Mahilig pa lang magluto ang madrasta ni Mr. Kyle. “Alisin mo siya sa isipan at ang gawin mo ay mag-focus sa pagluluto. Alam mo kasi Hija, napakahalaga na matuto kang magluto. Dapat matutunan mo rin lahat kasi isang kahinaan ng mga asawa ay ang kanilang tiyan. Kapag lagi mo siyang binubusog at satisfy sa mga pagkain hinahain mo sa kanya. Sigurado makukuntento rin siyang nag iisa ka sa kanyang buhay. Hindi ko sinasabi na babaero o baka maghanap siya ng iba. Pero mahalaga ay alam mong kuntento siya sa piling mo.” “Sala