RAIDEN POV. HINDI mawala sa isipan ko kung sino ang babaeng yon. Ayaw ko lang bigyan ng alalahanin si Chloe. Ngunit iba ang kaba sa aking dibdib kung bakit tumatawag siya sa akin. Sa boses pa lang niya ay kilala ko na kung sino ito. Kaya dapat kumilos na ako habang hindi pa siya gumagawa ng iskandalo. “Master Rai, mag-utos ka lang kung anong gusto mong ipagawa sa akin.” “She’s back, at sigurado akong masasaktan si Chloe kapag nalaman niya ang totoo.” “Bakit hindi mo na lang ipagtapat sa kanya ang lahat. Alam kong mahal ka ni Ms. Chloe kaya siguro naman ay mauunawaan ka niya. Isa pa ay matagal ng panahon ang lumipas. At alam mo sa iyong sarili na hindi mo na kailanman tatanggapin ang babaeng yon.” “How? Ang isipin ko pa lang kung ano ang magiging reaksyon ni Chloe ay hindi ko magagawa