CHLOE POV. ILANG araw ng hindi nagpapakita sa akin si Mr. Raiden. At masakit sa akin na para kaming itinapon lang basta dito sa isla pagkatapos ay iniwan. Gano’n pa man ay nalilibang din ako sa pakikipag-usap kay Princess Earah, Napaka inosente nito at parang bata kaya may katwiran ang eldest princess na pangalagaan ito. Isa pa ay talagang napaka-fragile dahil konting mali lang ay agad na natatakot. Isang salita lang din ang kapatid nitong panganay ay agad na umiiyak. Kaya naman sa tuwina ay nilalapitan ko siya upang pakalmahin. “Sana huwag na kayong umalis dito ni Baby Ray, upang may kalaro ako.” Wika pa niya habang may matamis na ngiti. At hindi ko mapigilan maluha sa kanyang sitwasyon. Sa edad nitong twenty-year-old ay parang limang taong gulang ang kilos, galaw at pananalita. “Huwag