RAIDEN POV. SA ilang taong ko dito sa kulungan ay isa lang ang aking na-realize. Kapag gumawa ka ng masama ay may balik. Alam kong may mga pagkakamali din akong nagawa sa mga babae. At kung anuman ang pinagdadaanan ko ngayon ay alam kong parte ito ng mga kasalanan ko. Ang hindi ko lang magawang tanggapin ay iyong agawin nila sa akin ang mga pinaghirapan ko. Dahil ang lahat ng yon ay mula sa aking dugo, pawis at luha. Wala akong natatandaan na nanglaman ako sa aking kapwa. Gano’n pa man sa paglipas ng panahon ay marami akong natutunan. Una huwag makalimot sa Diyos. Pangalawa maging handa sa anumang problemang darating. Pangatlo matutong tumanggap ng pagkakamali. Pang-apat maging mapagpakumbaba at maging pasensyoso. At higit ay makuntento kung anuman ang meron at mga darating pa. “Mr. Sa