CHLOE POV. MATAPOS ang unang hearing tumuloy ako sa bahay ni Daddy. Miss ko na ang aking anak sa ilang araw na naging busy ako. Sumalubong sa akin si Ray, ayaw na nitong tinatawag siyang baby. Malaki na raw siya para tratuhin pang bata. “Kumusta ang aking mahalan, hindi ka ba nag pasaway sa lolo mo?” “Hindi po mommy, good boy ako kahit tanungin mo pa si lolo ko.” napangiti ako at sabay buhat ko sa kanya papasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ni Mr. Ezco at kinuha si Ray. “Big boy ka na kaya dapat hindi nagpapabuhat kay mommy.” “Kaya nga po ninong Ezco, pero na miss raw ako ng mommy ko kaya binuhat niya ako.” “Ninong mo pala siya anak?” natatawa ako kasi parang hindi ko natatandaan.” “Sabi po niya ay siya raw po ang ninong kong pogi.” “Shhh, huwag mong ipagsigawan na gwapo ang nin