RAIDEN POV. HINDI ako makatulog dahil bukas na ang hearing ko at kakaiba rin ang aking pakiramdam ngayon. “Bok, bakit gising ka pa may dinaramdam ka ba?” “Hindi lang ako makatulog tol, hindi ko alam kung bakit balisa ako ngayon.” “Bok, halika palit tayo ng higaan.” “Bakit naman?” “Basta dito ka at diyan ako sa kama mo.” kahit ayaw ko ay nahihiya naman akong tumanggi kaya bumangon ako at lumipat ng kama. Siya naman ay tumabi muna sa aking habang nakaupo kaming dalawa. “Kapag nakalaya ka na bok, please paki puntahan mo ang dalawang anak ko. Pagkatapos pakibigay mo ang mga ito sa kanila.” “Sige, akong bahala. Pagkalabas ko dito ay agad akong pupunta sa bahay nyo. May mga gusto ka pa bang ipagbilin?” “Kapag nakita mo ang misis ko pakisabi na mahal ko siya.” “Ano pa at ililista ko ba