CHLOE POV. PARA akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ng marinig sa balita ang pagkamatay ng aking asawa. Ayon pa sa news caster ay tadtad ng saksak ang buong katawan sa mismong ibabaw ng kamang hinihigaan nito. At kahit hindi sinabi ang pangalan ay alam kong siya iyon dahil ang numero ng kama ay nakapangalan sa asawa ko. Ayaw kong magtungo sa korte pero hindi pwede. Kailangan ay magpakita kami ng abogado upang tanggapin ang magiging hatol ng korte. Ngayon namatay na ang aking asawa. Pagdating namin sa loob ay gusto kong sugurin ang mga babaeng siyang dahilan kung bakit nangyari sa asawa ko ang bagay na yon. Ngunit mahigpit ang bilin sa akin ng abogado na huwag akong gagawa ng mali. Kahit magsalita ng hindi tama ay huwag kong gagawin. Kaya naman ay yumuko na lang ako habang naghihint