ALICE- 3

2140 Words

ALICE POV. NAPAMURA siya ng nagising dahil sa sakit ng buong katawan. Lalong higit ay ang kanyang ibabang bahagi. Hanggang sa mga oras na yon ay hindi niya matanggap sa isipan na naisuko kay Renz ang sarili. Dahil sigurado siyang nagdiriwang ang kalooban ng lalaking yon sapagkat naisahan siya nito. Ang pagiging proud niya bilang sanay sa mga lalaki ay nabuking na. At kapag hindi pa siya tumayo sa pagkakahiga ay malamang na mas’ maunang pang bumangon si Renz kaysa sa kanya. Kaya naman kahit masakit ang lahat sa kanya ay pinilit na makaalis ng penthouse nito. Pagdating sa sariling penthouse ay agad na uminom siya ng pain reliever. Pagkatapos ay nagmamadaling nag impake ng mga gamit. Mahahalagang bagay lang ang kanyang dinala at doon na lang siya bibili sa lugar na mapipili niyang matirahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD