RR POV. LUMIPAS na ang maraming buwan at talagang hindi na nagpakita sa kanya si Alice. Kaya nang minsang umuwi siya sa mansion ng mga magulang ay hindi niya napigilan magtanong. “Hindi namin alam, kailan pa kayo walang komunikasyon?” “Matagal na po, Mommy ko. Mahigit anim na buwan ng walang balita sa kanya. Ang sabi ni Al, once lang daw nag-email sa kanya at nagpaalam. Pagkatapos non ay hindi na naulit pa. Kahit ang numero niya ay cut na ang linya. Ang social media account ay deactivate din.” “Naipa-chek mo na ba sa airline?” “Yes, pero walang record.” “Imposibleng mangyari iyon, hayaan mo at sasabihin ko sa Daddy mo.” “Please Mommy ko, nag-aalala na po ako sa kanya.” “Huwag mong masyadong isipin si Alice, matalino siya at hindi basta malilinlang ng kahit sino.” “Kahit na po, min