RAIDEN POV. NANG makita kong luhaan ang kanyang mukha ay parang pinipiga ang aking puso. Pero hindi niya dapat mahalata na apektado ako. Kaya umayos ako ng pagkakatayo sa gilid ng bench at sumeryoso. Dahil siguradong maya maya lang ay mapapansin na niya ako. At hindi nga nagtagal ay nagtama ang aming mga mata. Nakita kong nagulat siya at hindi makapaniwala na naroon ako. Ngunit mabilis siyang nagyuko siguro para itago sa akin ang kanyang mukha. Ako naman ay sinikap na maipakita sa kanya ang ma-autoridad kong aura. Pero tinatalo ako ng awang nararamdaman sa kanya. At kapag hindi ko na control ang sarili ko ay malamang na mabuking ako ni Chloe. Sinikap kong balewalain ang mga sinasabi niya ngunit hindi nangyari lalo na ng lumuhod siya sa aking harapan. Kahit minsan hindi ko inaasahan na