CHLOE POV. ISANG linggo na ang nakalipas magmula ng nagpunta dito sa ospital si Mr. Raiden. At mabuti na lang ay hindi na siya muling bumalik. Ngayon ang araw ng paglabas namin sa ospital. At nang makuha ko ang release paper ni Daddy ay napatunayan kong binayaran nga lahat ni Mr. Raiden ang bills. Lihim akong umusal ng dasal bago kami tuluyang lumabas ng silid. Pasasalamat sa lahat at naka-survive si Daddy. Gano’n pa man ay kailangan ko ng maghanda sa haharapin kong trabaho. Ang pinag-iisipan kong mabuti ay paano magpapaalam sa aking ama na hindi niya malalaman. “Anak, may problema ba?” “Wala po Daddy ko,” at nakangiti akong humawak sa kanyang braso. Akmang paparahin ko ang isang taxi na dumaan ng may sasakyang biglang huminto sa tapat namin. At nakilala ko agad ang sasakyan ni Mr. Raid