RAIDEN POV. PANAY tingin ko sa aking relong pambisig kung bakit wala pa rin si Chloe. Ang usapan namin ay ngayon siya magsisimula sa kanyang trabaho. Pero alas-nuebe na ng umaga ay wala pa rin siya o baka naman ay na traffic lamang siya. Pagpapa kalma ko sa inis na nagsisimula umakyat sa aking ulo. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko narinig ang announcement ng mayordoma na dumating na raw si Chloe. Halos madapa naman ako sa pagtakbo sa hagdanan upang salubungin siya. Nang bigla akong mapahinto sa kalagitnaan ng hagdan. Bakit ba ako tumatakbo at bakit kailangan ko siyang salubungin? Nailing akong bumalik sa aking silid at hinayaan na siya ang kumatok sa aking pintuan. Nakalimutan ko yata na boss niya ako. At kaya siya pupunta dito upang magtrabaho at pagsilbihan ako huh! Muli akong