ALICE POV. NAPAPANSIN niya ang lihim na pagmamasid ng parents ni Renz. At kapag nagkakasalubong ang mga mata nila ay biglang ngingiti na lang sa kanya. Pero dama niya na may gustong sabihin sa kanya ang mga ito. Luminga siya sa paligid at hinanap ng mga mata kung nasaan ang binata. Ngunit hindi niya makita, kaya nilibang na lang ang sarili sa pakikipagkwentuhan sa mga kapatid. Ganon pa man ay hindi siya mapalagay. Dahil ilang araw ng gusto niyang laging nasa kanyang tabi si Renz. “Ate Alice, anong vitamin ang iniinom mo dahil ang bilis mong tumaba?” tanong ni Adrianna sa kanya ngunit wala siyang maisagot dito. Malaki na ba talaga ang pinagbago ng kanyang katawan? Si Renz napapansin din neto ang pagbabago niya lumaki na raw siya. At hindi niya alam kung paano sasabihin dito tungkol sa kan