RR POV. LAHAT ng single na lalaki ay pumunta sa likod ng groom. Ang malakas na announce ng emcee. Ngunit kapansin pansin ang paglayo ni RC. Alam niyang umiiwas ang kapatid ngunit natawa siya ng makitang hinila ito ni Kenji. Dinala sa karamihan at wala ng nagawa kundi maki-ride sa gagawin niyang pagbato ng bouquet. “Ready na ba ang lahat?” “Yes, ready na silang lahat.” Malakas na sigaw ng isang lalaking nakatayo sa ‘di kayuan. “Austin, kailan ka pa dumating?” dinig niyang tanong ni Alice dito. Kaya sininsyasan ko si Al, at ayon hinila nito si Austin sa karamihan. “Okay, pag bumilang ako ng isa ay ihagis mo ang bouquet, Mr. Groom.” Mabilis siyang nag-thumbs up sa emcee. “… ready…. One!” sabay bato niya sa likuran at nagsisigawan ang lahat ng masalo ni RC iyon. “Bakit sa akin ito napun