RR POV. WALA siyang idea kung sino ang mga target ng mga taong yon. Alin sa dalawa ni Alice at Jiro o baka naman siya talaga? Pero wala naman siyang kaaway na aabot sa barilan. Kaya nakakasiguro siyang isa sa dalawang ito ang pakay ng kalaban nila. “Renz, kanina ka pa tahimik anong iniisip mo?” umiling siya sa tanong na yon ni Alice at sa halip na sagutin ito ay niyakap na lang niya ng mahigpit. Paano kung ito talaga ang target ng mga lalaking yon? Kailangan may gawin siya bago pa tuluyang manganib ang buhay ng dalaga. Sa halip na sabihin ang nasa isipan ay nanatili siyang walang imik. “Huwag muna kayong gumawa ng plano. Hintayin natin ang tawag ni Kenjie, wala pang nakakaalam kung sino ang mga taong yon.” “Tatlo lang tayong naroon sa Café Espresso, kaya alin sa atin ang target.” Alam