ALICE POV. NAHIHIRAPAN siyang mag-isip sa kinikilos ni Renz. Parang wala lang dito ang mga sinabi niya. Sabagay noon pa naman ay wala itong interest sa kanya. Bakit aasa pa siyang maging mahalaga sa buhay ng binata? Parang lalo lang niyang sinasaktan ang sarili upang maghangad ng higit pa. Ang mga katulad nito ay maihahalintulad sa isang yelo na walang buhay o emosyon. Ray Renz San Diego is a cold hearted at isa rin manhid. Sa kama lang ito mainit habang nakikipagtalik at pagkatapos ay balik sa kalamigan. “Anong iniisip mo at parang kung saan na nakarating?” “Wala naman bakit anong kailangan mo?” “Oh, bakit biglang iba yata ang ihip ng hangin? Kanina ay ayos pa pero ngayon ay hindi na may parating bang bagyo?” “Stop talking nonsense, at nag-iisip ako ng mga problema ko.” saka niya ito