CHLOE POV. GINISING akong ng masamang amoy. At pagmulat ko ng mata ay agad akong tumakbo sa loob ng banyo. Kahit masakit ang aking buong katawan ay tiniis ko makarating lang ako sa sink. Doon ay sumuka ako nang sumuka at sinabayan pa ng aking pagkahilo. “Lagi ka bang ganito. I mean kapag nakakaamoy ka ng lutong pagkain?” hindi ako sumagot pero tumango ako sa kanya bago nagpatuloys a pagsusuka. Dama ko na rin ang ginawa niyang paghagod sa sa aking likuran. Nang makaramdam akong okay na ay nag-toothbrush muna ako at nag hilamos. Akmang hahakbang na akong pabalik sa loob ng silid ng buhatin ako ni Mr. Raiden. At kahit nahihiya ako ay humawak pa rin ako ng mahigpit sa leeg niya dahil baka mabitawan at ikahulog ko. “Anong gusto mong kainin na hindi ka mag susuka?” tanong niya sa akin habang