CHAPTER- 21

1807 Words

RAIDEN POV. NAIINIS ako sa ginagawa ng aking ina. Kahit alam kong may dahilan siya kung bakit niya ginawa ito sa akin. At habang nagsasalita siya ay nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Dama ko na may taong pinoprotektahan pa siya maliban sa akin. Ang hindi ko lang nagugustuhan ay nasasaktan ang inosenteng babae. Lalo pa at parang walang pakialam kong may tao ng nasasaktan. Pero kailangan kong makiayon sa plano ang aking ina. Kahit ayaw ko ay dapat ko siyang sundin dahil alam kong para sa kabutihan ko. Gano’n din sa taong kanyang pinoprotektahan. Ang iniisip ko bakit sabi niya ay hindi niya kilala si Sarah? At sino ang lalaking sinasabi ni Ezco na encounter nito sa veranda ng gabing yon? Dahil hindi ako ang lalaking yon, ibig sabihin ay may taong nakakaalam ng kinaroroonan ni Chloe.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD