RAIDEN POV. HINDI na ako mapalagay dahil gabi na ay wala pa rin si Chloe. Ang sabi ng inutusan kong mga bodyguard upang sikretong bantayan si Chloe ay tinawagan sila ni Senora Valeria. Sinabing ipagtiwala daw sa mga bodyguard ng kanyang ina si Chloe. Kaya wala raw silang nagawa ng utusan na magtungo sa mansion ng mga magulang. Talagang ginagalit ako ng aking ina. Kaya dali dali ko siyang tinawagan. At mabuti ay agad sumagot gustong gusto ko na siyang bulyawan ngunit ina ko pa rin siya. “Nasaan si Chloe, dahil hanggang ngayon ay wala pa siya dito! kapag may masamang nangyari sa kanya dahil sa pakikialalam mo sa aking mga tauhan ay hinding hindi na kita kakausapin pa!” “Huminahon ka nga anak, nakakasiguro ako na safe si Chloe.” “Kung gano’n bakit hanggang ngayon ay wala pa siya dito?”