CHLOE POV. NAGISING akong wala ang aking anak kaya mabilis akong bumangon. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Madam Clemente. “Anong nangyari at balisa ka, Chloe?” “Si Baby Ray, po?” “Magkasama kayo ‘di ba?” “Opo, pero pag gising ko ay wala na siya kaya ang akala ko ay kinuha mo, Madam Clemente?” “Hindi, ngayon pa lang ako pupunta sana sa kwarto mo upang sabihin na monthly check up ni Baby Ray.” Sa aking narinig ay agad akong kinabahan. Paano nawawala ang aking anak at napaka imposible dahil wala namang ibang makakapasok sa kwarto. At wala rin may alam na naririto kaming dalawa sa mansion ng abuela ko. Isa pa ang sabi ni Senora Valeria at Madam Clemente ay safe kami dito sa mansion. Pero ngayon nasaan ang aking anak? Sino ang kumuha sa kanya at anong motibo? tinalikuran ko agad ang gi