RAIDEN POV. NAKIKINIG lang ako sa paliwanag ng aking ina ngunit hindi ako kumbinsido sa kanya. Hindi ako makapaniwala na wala siyang tiwala sa sarili niyang anak. Minsan nga iniisip ko kung bakit ganito ang trato niya sa akin. Hindi ko man lang naramdaman na mahal niya ako "Raiden, bakit hindi ka sumasagot, anak?" "Wala akong alam sabihin sayo, Senora Valeria. Nagtataka lang ako kung bakit ganito ang trato natin sa isa't-isa. Minsan naisip ko na baka hindi mo ako tunay na anak…. "Raiden! Bakit iyan ang nasa isipan mo at lumalabas sa iyong bibig?" "Hindi ko rin alam kung bakit yon ang pilit na pumapasok sa aking isip. At hindi ko rin alam kung normal ba ang ganito kasi marami din akong kaibigan pero nakikita kong mahal sila ng kanilang mga magulang. Samantalang ako ni minsan hindi ko