RR POV. KAHIT saan yata siyang bar pumasok ay nakikita niya si Alice. Sabagay ano pa nga ba ang dapat niyang isipin sa babaeng ito kundi isang pakawala. "Oh, bakit naririto ka sinusundan mo ba ako?" "Hindi, nakikita mo naman siguro ang babaeng katabi ko?" "Oo naman kilala ko nga siya eh, 'di ba Sheila?" "Magkakilala kayo sweetheart?" Hindi niya natiis ay tinanong ang katabing babae. "Ah eh, yeah… s-school mate kami sa isang unit." "So, kumusta naman si Alice, nag aaral ba siyang mabuti at hindi nagsasayang ng pera?" "Yeah, sa katunayan ay magna c*m laude siya." "See? Kaya hindi ko sinasayang ang pera ng mga taong nagpa aral sa akin. Hindi ako katulad ng mga babaeng laman ng isipan mo." Akmang magsasalita pa siya ng biglang umalis si Alice. At nang sundan niya ng mata ay nakita n