CHLOE POV. NGAYON ko nakita kong gaano magmahal si Mr. Raiden sa aming anak. Hindi siya matutulog hanggang gising ang aming bunso. Lagi kasi itong gising sa gabi at naglalaro hanggang madaling araw. Kapag umiyak naman ay agad din siyang bumabangon upang buhatin si Baby RC. Ayaw niya daw na kasanayan ng anak ang pag iyak kaya kahit nagsisimula pa lang umingit ay kakargahin na niya agad. “Matulog ka na muna at ako na ang magbabantay sa kanya.” “No. it’s okay. Hayaan mo na ako baby, ikaw ang magpahinga dahil maghapon kang pagod sa kanya. Kailangan mo ng maraming energy at kumain ng heavy food upang hindi ka masyadong mamayat. Malakas pa naman dumede sayo ang anak natin. Dapat kasi sa bottle na lang natin siya pakainin.” “Ayaw ko at least six months ay mag-breastfeed ako sa kanya upang mal