RC POV. GUMAWA siya ng video upang kausapin si Cale. Gusto niyang malaman kung ano ang nasa loob nito. Baka naman ay may ibang plano ito na maaaring mapagkasunduan nila. Nakakapagod na ang makipag kompetensya sa kanyang sarili. Lahat ng gusto niyang itanong kay Cale ay sinabi niya pati na ang kanyang nais. Ipinahayag niya rin ang kanyang damdamin. At hiniling na maging open sila sa isa’t-isa. Ibinigay niya iyon kay Selena upang ito na ang mag-abot kay Cale. At sana lang ay makiayon ito sa kanya upang magkasundo na silang dalawa. Ngayon na lumalaki na ang kanilang mga anak. Dapat mawala na ang gulo sa pagitan nila upang pare pareho silang maging masaya. “Anak, decided ka na ba sa pagpasok sa SA Agencia?” “Opo, Daddy ko siguro dahil sa nangyari sa akin. Napag-isip-isip ko na sayang ang p