SELENA POV. GABI, hinahanap niya si Cale, dahil matapos ang buong araw na kasiyahan ay hindi niya ito makita. At heto natagpuan niya na nakaupo sa rooftop. “Bakit naririto ka, kanina pa ako naghahanap sayo. Hindi ka pa ba matutulog? Isa pa malamig dito at baka magkasakit ka.” sunod sunod niyang tanong dito. “Wala naman gusto ko lang balikan ang mga panahong una kitang nakita.” “Iyon pala ang matagal ko ng gustong itanong sayo, saan nga ba tayo nagkakilala. At paano ka nagkagusto sa isang tulad ko na lumaki sa bundok? Wala talaga akong natatandaan kundi yong bigla nating pagpapakasal. “Bago ko sagutin ang tanong mo ay maupo ka muna dito sa lap ko. Gusto kitang mayakap.” Sinunod naman niya agad ito at yumakap pa siya sa leeg nito. “Tell me, saan tayo nagkakilala at paano ka nagkagusto