CALE POV. SA mga oras na yon ay hindi niya malaman ang gagawin. Hindi lang takot para sa sarili kundi kay RC. Kung bakit naman ngayon pa siya lumitaw kung kailan nasa mission sila. Paano niya sasabihin sa mga kasama na hindi siya si RC, samantalang walang nakakaalam tungkol sa DID nila ni RC. “San Diego, anong nangyayari sayo bakit ka nagkakaganyan?" Hindi rin niya kilala ang lalaking ito kung sino ba ito. "Ahm, maaari ko bang tawagan saglit si C-Charlie Montemayor?" "Bakit anong problema?" "May mahalagang bagay lang akong sasabihin sa kanya." "Boss Drei, nagbigay na ng signal ang kabilang grupo." "Okay, copy." Lalo na siyang nakaramdam ng takot kaya kailangan niyang magsabi ng totoo dito. Dahil hindi lang buhay niya ang nakalagay sa peligro kundi ang buong grupo. "Move!" "B-Boss