RR POV. READY na sila sa pag-uwi ng Manila pero wala pa rin si Alice. Kung pwede lang na iwanan na lang ang babaeng ito dito. Hindi niya alam kung anong business nito kay Austin. Dahil aalis na lang ay naroon pa ito at kausap ang lalaking yon. Natanawan niyang naglalakad si Al, siguro nainip na rin ito kaya pinuntahan na ang kapatid. Hindi naman nagtagal ay magkasama na ang dalawa. Ngunit sa kabilang pick up sumakay si Alice kaya sa sobrang inis niya ay bumaba siya at pinuntahan ito sa pick up ni Fross. “Bumaba ka diyan at doon ka sumakay sa hammer. Bilisan mo at aabutan na tayo ng traffic sa daan!” “Ayaw ko, si Kuya na lang ang isakay mo sa iyong sasakyan.” “Hindi pwede.” “Kung gano’n ay mag-isa kang bumalik sa Manila at dito na lang ako sasakay!” nakita niyang nagsuot pa talaga ito