ALICE POV. HINDI siya nakakaramdam ng pagod kahit medyo mabigat ang kanyang backpack. Malaki ang kanyang hakbang upang marating agad ang lugar. May kalayuan din ang lalakarin nila bago marating ang falls. Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag nasa gitna ng kabundukan. Lalo na ang huni ng mga ibon at ang malamig na simoy ng hangin sa umaga ay nakakapag luwag ng kanyang dibdib. Kapag yumaman talaga siya ay bilhin niya ang lugar na ito at dito maninirahan. Kaya naman hindi siya pumapalya sa pagtaya sa mga sugal. Total wala pa naman siyang asawa kaya pagbibigyan muna niya ang sariling magbakasakaling tatama ng jackpot. Nang maulinigan niya ang buhos ng tubig ay mas’ lalo siyang nakaramdadam ng excitement. Kaya tumakbo na siya palapit doon. Nang marating ang gilid ng falls ay dumipa pa siy