RAIDEN POV. KASALUKUYANG magkausap kami ni Senora Valeria. Nang matanawan ko sa gate ng bahay ang lalaking ayaw kong makita. At ito naman asawa ko ay lumapit pa talaga at nakikipag tawanan. Hindi ko na tuloy maintindihan ang sinasabi ni Senora Valeria. “Son, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” “Ano ba yung sinasabi mo pakiulitin na lang?” “Huwag ka muna kasing tumingin sa gate, kaya nawawala ka sa focus. Hayaan mo ang asawa mo at kababata naman niya ang kanyang kausap.” “Ano ba ang pakialam mo, saka bilisan mong magsalita.” angil ko sa aking ina. “Huwag kang masyadong seloso para kang ang papa mo.” “Kaya mo siyang iniwan kasi nasasakal ka sa kakaselos niya?” “Hindi yon ang dahilan, isa pa hindi ka rin naman naniniwala kahit sabihin ko sayo. Ang gusto ko lang sabihin sayo ay huwag mong