CHLOE POV. ARAW ng hearing, magkasama kami ng asawa ko sa loob ng korte. Lahat ng hawak naming ebidensya ay isinumite na ng aming abogado. Ang pakikipagsabwatan ng limang babaeng ito sa mag-inang Madam Clemente at Roxanne. Upang magpanggap na kasama sa mga minolestiya ng aking asawa kapalit ng malaking pera. Gano’n din ang pagpapanggap ng mag-ina na siyang owner ng mansion na minana ko sa aking abuelo at abuela. Pati na ang pang-aagaw nila sa mga kompanya ng aking asawa. Kumpleto ang lahat pati na ang mga witness. At sisiguraduhin kong walang isa man ang makakaligtas sa kanila. Nang magsalubong ang mata namin ni Roxanne ay tinaasan ko siya ng kilay. Gano’n din ang babaeng manager ng boutique na pinasukan namin noon ni Mr. Raiden. Ang babaeng nagpa-interview upang idiin pa sa kasalanan