Lorenzo Terran, isang mafia at involve sa isang grupo ng human trafficking. Magsasanga ang landas nila ng inosenteng babaeng walang muwang sa mundong kanyang ginagalawan. *Kaya niya bang bilhin ng salapi ang isang tulad nito na walang ibang nasa isipan kundi matupad ang pangarap na maging doktor? Ganun pa man ay walang sinuman ang makakapigil upang gawin niya itong asawa. Sapagkat para sa kanya ang babaeng ito ang nag-iisang bibigyan niya ng pangalan at karapatan. Walang iba kundi si Elizabeth Laurente, ang anak ng lalaking pinatay at siya ang tinuturo nitong kriminal. *** A few days later.... Marangyang kasal na pinapangarap ng kahit sinong babae. Ang magsuot ng mamahaling damit pangkasal. At maglakad sa pasilyo ng simbahan tungo sa altar. Habang naghihintay ang lalaking minamahal.

