RC & SELENA KATATAPOS lang ng kasal nila sa simbahan. At nang araw din na yon ay bumati sa kanila ang doctor ni RC. Ibinigay din ang resulta ng huling pagsusuri sa sakit nito. At walang pagsidlan ang puso nila sa sobrang katuwaan. Ngayon ay totally magaling na ito. Kaya lubos ang pasasalamat nila sa Diyos. Sapagkat kahit binigyan sila ng maraming pagsubok ay na gawa pa rin nilang mapagtagumpayan. Totoong masarap ang magmahal pero mahirap. Dahil kaakibat na yata ang problema sa buhay mag-asawa. Ngayon ay anim na buwan buntis si Selena sa anak nilang babae. Kaya naman ay kuntento na silang mag-asawa. Ang mga magulang na sila Papa Ezco at Mama Jen. Sa wakas heto at nagkabalikan na rin. Tama ang kasabihan, huli man daw at magaling ay naihahabol pa rin. Nakikita nila kung gaano kasaya ang

