JUSTIN'S POV Nakakainip nang maghintay. Gusto ko ng puntahan si Janina dahil sobrang mis ko na siya. Mukhang wala naman siyang pakialam sa mga litratong pinapadala sa kaniya ni Jonna. Baka nga mas lalo na naman siyang nagalit sa akin dahil doon kaya ayaw na niyang bumalik. I bribe her sister to cooperate with us. Pero mukhang napapasama lang yata ang lahat. Damn, Yela's plan. Napahilot ako sa aking sentido na ilang linggo nang sumasakit dahil sa kakulangan ng tulog. "Sir, may mga bisita po kayo," imporma sa akin ng aking sekretarya mula sa intercom. "Papasukin mo." Tiyak na sina Marko na naman ang mga iyan. Pinuntahan na naman ako para lang mang-asar. Pumasok sina Sammy at Sunny. "Hello, cousin." Ngiting-ngiti sila at dire-diretsong naglakad at naupo sa dalawang bakanteng upu

