JANINA'S POV "B-babe," nauutal niyang sambit. Mukhang natakot ang herodes sa pagsulpot ko. "Ano'ng ginagawa mo dito, gabi na ah." Inungusan ko siya. Pero sa loob-loob ko ay nag-iisip ako ng idadahilan ko. Ano ba ang sasabihin ko? Alangan naman na sabihin kong hinuhuli ko siya kaya ako nandito. "Are you checking on me?" Tinaasan niya ako ng kilay at may mapaglarong ngisi ang kaniyang mga labi. Inabot niya ang kamay ko saka ako marahang hinila papasok sa loob ng condo niya. Baka nakapagtago na ang babae niya kaya puwede na akong pumasok. "Tell me, bakit ka umalis sa inyo kahit gabi na? You should have text me. Ako na lang sana ang nagpunta sa inyo." Nagpintig ang kilay ko. Bakit ba tila ayaw niya akong magpunta dito? May tinatago ba siya sa akin? "Oh, you're giving me that

