JANINA'S POV "Bakit maaga kang umuwi?" tanong ko kay Justin habang nakahalukipkip ako dito sa hamba ng walk in closet. Pinagmamasdan ko siyang naghuhubad ng kaniyang polo. Napalunok ako habang nakatingin sa batak niyang katawan. Nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako at medyo hinaplos ko pa ang aking leeg. Nangingisi siya habang pinagmamasdan ang itsura ko. "Natapos nang maaga ang mga meetings. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos habang naiisip kita. You're alone here." Ngumuso ako. "Oh baka. . . may tinatago ka dito kaya ayaw mo akong mapag-isa dito?" biro ko. Umiling siya. "Tama ako no?" Tinanggal niya ang buckle ng kaniyang sinturon kaya pumihit ako ng taliwas na direksyon para hindi siya makita. I hear him smirked. "Babe, kahit halughugin mo pa ang buong sulok ng penth

