JANINA'S POV Tumagilid ako at niyakap ang unan para bumalik sa pagtulog. Naririnig ko ang katok sa labas ng pinto ng kuwarto pero hinihila ulit ako ng antok. Bahagya pa akong umungol dahil nakaramdam ako ng iritasyon. Umayos ako ng higa at hinila ang kumot hanggang sa matakpan pati ang aking ulo. Pabalik na ako sa pagtulog ng maramdaman ko ang mainit na hininga na tumatama sa aking noo. Doon ko lang napagtanto na ang yakap kong unan ay matigas. Kinapa-kapa ko pa ito pababa. Nanigas ako ng may makapa ako na kakaiba. Matigas at pumipintig. Mariin akong pumikit. Namumula ang pisngi. Sakto namang may narinig akong umungol. Doon ako tuluyang nagising at mabilis na tinulak ang katabi ko. "Justin! Ano'ng ginagawa mo dito? 'Di ba pinauwi na kita kanina?" sigaw ko. Galit akong nakatingin s