JUSTIN'S POV Hindi ako makakapayag na makukulong lang si Adele. Kailangang maibalik ko sa kaniya ang ginawa niya noon kay Janina. Damn! Paano niya nagawang atakehin ang isang buntis? Wala man lang ba siyang konsensya? She was a b***h. A devil. Habang inaayos ang warrant niya ay may mga inutusan akong tao para magmanman at bantayan ang kilos ni Adele. Natitiyak kong gagamitin ng kanilang pamilya ang koneksyon nila para malusutan ang kasalanan niya. Nagkamali sila ng binangga. Hindi sila magtatagumpay sa anumang plano nila. Papatunayan ko sa kanila na mas makapangyarihan pa din ang dela Vega. Huminga ng malalim ang lolo at inip na nakatingin sa monitor. Kuha ito ng surveilance camera na nakalagay sa labas ng bahay ng mga Rivas. Naiinip na din ako. Bakit hindi pa din siya lumalabas