JANINA'S POV "The only child of the Rivas who owned RM malls and some fancy restaurants." Tahimik akong nakikinig sa sinasabi ng private investigator habang iniisa-isa kong tignan ang mga papel na binigay niya. Dito sa kompanya nina Kyle kami nakipagkita para maging pribado ang aming pag-uusap. "Kaya pala mabilis siyang nakawala noon sa guwardiya." Dismayado ako sa nalaman ko. Naalala ko na naman ang tagpong iyon pero pilit kong winawaksi sa aking isipan upang hindi ako manlambot at manghina. "Tiyak na may cctv doon noong araw na atakehin ka niya," usal ni Kyle. "Baka binura na iyon, boss." Tiyak na iyon ang ginawa ng kriminal na 'yon. "Wala ba tayong magagawa tungkol diyan? Sabi mo may nakapag-video noon sa nangyari?" Binalingan ako ni Kyle. "May grupo noon ng mga estudya