JANINA'S POV Iniwasan ko ang mga titig ni Justin. Tiningala ko si Kyle na muli na namang sumeryoso ang mukha. "JK, is that you?" Napalingon kami ni Kyle ng marinig namin ang tumawag sa akin galing sa likuran namin. Napakuyumos ako ng aking mga kamay ng makita ko kung sino. Parang gusto ko siyang sugurin at saktan. Lihim na nagtagis ang aking bagang. Mukha lang ng mamamatay tao na 'to sira na agad ang mood ko. Nag-aapoy ako sa galit pero ng maramdaman ko ang paghawak ni Kyle sa aking kamay at pinagsiklop ang aming mga daliri para pigilan ako. "Let's stick to your plan," bulong niya sa akin. Tinitigan niya ako at ganu'n din ang ginawa ko. Bumuntong hininga ako, kumalma ako dahil sa kaniya. Nginitian niya ako at kinabig para mas lalong maglapit ang katawan namin. Tamad kong binalinga