JANINA "So, hindi mo pa din sinagot?" tanong ni Annie. "Paano ko naman sasagutin kung biglang nasira ang gabi dahil sa tumawag sa kaniya," naiinis kong sagot. "Sayang," aniya. "Sa pasko mo na lang siya sagutin o kaya bagong taon para sabay kayo sa putukan. Yieeeh," tili niya. Bunganga talaga ng babaeng 'to. Akala ko nga magiging kami na kagabi, ang ganda ng lahat. Perfect, kaso nasira lang dahil sa tawag. Basta na lang ako hinatid ni Justin sa bahay. Buong akala ko pag-uusapan namin ang tungkol sa amin kagabi. Nabitin tuloy ang dapat sasabihin ko. Gustong-gusto kong sabihin na mahal ko din siya, na sinasagot ko na siya. Na kami na. Na girlfriend na niya ako. Bumuntong hininga ako. Baka hindi pa talaga time. Nandito kami ngayon sa isang five star hotel dito sa Manila.Chris