JANINA Habang papalapit ako sa aming bahay ay nagsisimula na ding bumuhos ang aking mg luha. Pinunasan ko ito bago ako makapasok ng bahay. Sa kuwarto na ako dumiretso. Hindi ko na nagawang batiin si nanay na nasa kusina na abala sa paghahanda ng aming pang-noche buena. Paskong-pasko pero umiiyak ako. Nasasaktan ako. Nawalan na ako ng gana para mag-celebrate ng pasko. Sa dami ng araw na sasaktan niya ako napili pa niya talaga ang araw ng pasko. So, para saan pala ang effort niya kagabi para magkausap kami? Hindi pa man kami pero nasasaktan na ako. Umiyak ako ng tahimik. Bumuhos ang madaming luha. Dala marahil sa pagod sa pag-iyak at pag-iisip ginupo ako ng antok. Nagising ako sa pagkatok ni Jonna sa pinto. Mag-ayos na daw ako para makakain na kami. Bumangon na ako at dumirets