JANINA Isang buwan na ang nakalipas mula ng lumipat kami dito sa Bulacan. Naka-adjust na kami nina nanay. Maayos na din ang kita niya sa kaniyang pagtitinda-tinda ng pagkain. Sapat sa aming pang-araw-araw.. Nagtayo din kami ng sari-sari store pero kaunti pa lang ang laman dahil wala pang malaking puhunan. Maayos na ang kalagayan namin dito hindi tulad noong nasa Manila pa lang kami na kailangan naming kumayod ng husto para sa upa, pagkain, bills at matrikula sa eskwela. Pero kung ako ang tatanungin, hindi pa din ako kuntento. Hindi ito ang pangarap ko na buhay para sa kanila. Hindi sapat na magsipag ka lang sa trabaho, dahil kahit gawin mo pa pati trabaho ng mga kasamahan mo, minimum wage pa din ang sasahurin mo. "HINDI ka pa ba mag-a-out?" tanong ni Annie sa akin. Abala ako sa