JANINA Mula ng maospital ako dahil sa allergy attack ay sobrang ingat na ni Justin kapag ganiyan na inaaya niya akong kumain sa labas. Lagi niyang tinatanong ang mga pagkain na bawal sa akin. At kapag oorder na, tinatanong din niya ang waiter tungkol sa menu. He's so sweet. Pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako ng bestfriend na lalake. Puwede ding kuya dahil mas matanda siya sa akin ng limang taon. Plastik mo. Jowa, feeling mo mag-jowa kayo, kontra ng isip ko. Sobrang thoughtful niya kasi. Kaya kahit ano'ng saway ko sa sarili na huwag ko siyang isipin ay pilit pa din siyang sumisiksik sa isip ko. Parang iyon na nga ang kumukompleto sa araw ko eh. Nangingiti pa ako habang naiisip si Justin nang maagaw ng pansin ko ang pinag-uusapan ng dalawang bagong hired na staff. "Oo, ang