JANINA "Salamat sa pag-imbita," turan ko sa mga kaibigan ni Justin na sina Raymond, Richard at Joel na kasama din ang mga kapareha nila ng makarating kami dito sa cottage na kinuha nila. Punong-puno ng pagkain at alak ang mesa. Hindi pa nila ginagalaw ang pagkain pero sinimulan na nilang mag-inom. Sabay-sabay silang nasamid sa iniinom nilang beer. "Kami ang dapat magpasalamat sa'yo," sagot naman ni Tessa habang nakangisi. Kumunot ang noo ko at hinintay pa ulit siyang magsalita pero tumikhim si Justin. Sabay silang nagtawanan. Ano'ng nakakatawa? Ang weird nila. Nandito kami ngayon sa Eight Waves Waterpark. Huling swimming daw ito ng barkada bago sumapit ang tag-ulan. "Ano ang first impression mo kay Justin?" biglang tanong ni Tessa sa akin. Umalis ang mga lalake para kunin ang mga p