JANINA'S POV "Bakit nga kasi?" pangungulit sa akin ni Annie. Oras ng trabaho pero heto siya at binubuntutan ako dito sa area ko. Ayaw akong tantanan hangga't hindi ko kinukwento sa kaniya ang nangyari. "Hmmm." Muli akong naglakad papuntang kabilng aisle. "Eto naman, 'di ba gusto mo siya?" tanong niya. Bumuntong hininga ako saka ko siya hinarap. "Oo, gusto ko siya, pero hindi ibig sabihin na gusto ko na din siyang maging boyfriend," tugon ko na nakapagpakunot ng kaniyang noo. Alam kong hindi niya ako maiintindihan kaya nga wala akong balak na ikuwento sa kaniya. Nakinita ko na ang ganiyan na reaksyon niya. "Pero bakit mo nga binasted? Madaming babae ang nagkakandarapa sa kaniya, tapos ikaw, heto na oh, liligawan ka pa. Pero binasted mo na agad, nagpapa-alam pa lang na manligaw.