JANINA Mula ng sinabi kong hanggang magkaibigan lang kami ni Justin ay hindi na kami ulit nagkita pa. Mag-isa na lang akong pumapasok sa trabaho at mag-isa ulit na uuwi sa gabi. Hindi na niya ako sinasabay. Hindi ko na din inaabala pang tumingin sa gawi ng bahay nila. Para saan pa? Hindi na din siya nagparamdam. Wala siyang text messages at walang miscalls. Nakakapanibago. Ngayon ay mag-isa na naman akong uuwi kaya naisipan kong sumakay na lang ng tricycle kaysa pumila at maghintay ng jeep. Tatlong araw ang nagdaan mula ng bastedin ko si Justin. Tatlong araw din akong malungkot at laging matamlay. Nasanay na kasi ako na kasabay ko siya sa pagpasok at pag-uwi. Sa iisang mall kami nagtatrabaho at magkapitbahay lang kami pero hindi ko na siya nakikita. Umiling ako, hindi ko dapat dini