JANINA'S POV Pagkatapos ng intro songs ay agad na akong pumili sa mga song request. Napailing ako ng makita ang mga nakalista. Biglang pumasok sa isip ko sina Tessa at Raymond. Napailing ako. Memories... Huminga ako ng malalim at muling tinignan ang mga nakalista. I'm starting to hate some songs. Sad or love songs. Really. Nangingiti ako ng makita ang nakasulat sa munting papel na sinulatan ng request. Para sa mga iniwan at pinagpalit sa iba. "Ang kantang 'to ay para sa mga taong iniwan at hindi na binalikan. Mag-move on na kayo. 'Di na iyon babalik, pinagpalit na kayo sa iba," sabi ko habang matawa-tawa. Napuno naman ng tawanan at kantiyawan ang bar dahil sa sinabi ko. "Walang iyakan ha. Nandito tayo para magsaya. Kung iniwan ka man, huwag kang malungkot. Hindi siya kawalan. Siya