JANINA'S POV Mabigat ang pakiramdam ng aking katawan nang makarating ako sa aming bahay. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko, isang linggo na yata akong ganito. Hindi naman gaano ka-hassle ngayon ang trabaho pero ganito ang nakakaramdam ko. Lagi akong nahahapo, nanamlay at wala din akong ganang kumain. Agad akong sumalampak sa sofa dito sa sala. Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Maayos na ang kita ng online shop ko kaya naman inuunti-unti ko na din ang pagbili ng mga bagong gamit para sa aming bahay. "Anak, ayos ka lang ba? Napakaputla mo," tanong ni nanay na kakalabas lang sa kaniyang kuwarto at may bitbit na mga damit. Sa susunod na linggo na ang alis nila papuntang Cagayan de oro at Boracay, ngayon pa lang ay excited na siya kaya sinimulan na ding mag-empake ng mga