Kabanata XLI

2409 Words

JANINA Nag-inat ako at humikab. Pinilit ko nang bumangon kahit antok na antok pa ako. Kailangan kong puntahan si Justin sa kanila dahil may importante akong sasabihin sa kaniya. Paglabas ko ng pinto ng bahay namin ay sakto namang palabas din ng gate nila si Justin. Nangiti ako at nagsimula ng humakbang papunta sa gate namin habang hindi maalis-alis ang tingin ko sa kaniya. Agad napakunot ang noo ko nang makita ko na may hila-hila siya na malaking maleta sa isang kamay. "Justin," tawag ko pero mukhang hindi niya ako narinig. Diretso lang siya sa paghakbang papunta sa may kanto, papuntang highway. Seryoso ang kaniyang mukha, iyong tipong hindi ka papansinin. Aalis ba siya? Bakit hindi ko man lang alam? Hindi man lang siya nagpa-alam sa akin? Ilang metro lang ang layo ng bahay namin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD